Ginisa sa Kamara ang SMNI tungkol sa report nilang P1.8 bilyon travel expenses ni House Speaker Martin Romualdez.
Pinuna ni Representative Jay-Jay Suarez ang mga alegasyon ng nasabing TV network na may bilyong travel expenses si Romualdez.
Sinabi naman ng legal counsel ng Swara Sug Media Corporation na si Atty. Mark Tolentino, na walang fake news at nagtatanong lang umano ang anchor ng programa.
Ngunit, hindi bumenta kay Suarez ang mga paliwanag ni Tolentino at giniit nito na isang malaking akusasyon ang paratang umano ng SMNI kay Romualdez.
Pagdidiin naman ng mga Kongresista na hindi pwedeng sabihin ng TV network na protektado sila ng kanilang disclaimer dahil nilabag daw nito ang Section 4 ng kanilang prangkisa o RA 11422 na hindi dapat hayaan ng franchise owner na magamit ang kanilang pasilidad sa pag-eere ng mga indecent language o pagpapakalat ng fake news.
Pero depensa naman ng SMNI na wala silang pananagutan sa sinasabi ng kanilang anchor.
Ayon kay Rep. Gustavo Tambunting, mawawalan ng saysay ang Sec. 4 kung tatanggapin na lang ang mga paliwanag na walang pananagutan ang TV network sa sasabihan ng kanilang mga anchor.
