SK sa Naga City katuwang na sa vaccination program online registration

NAGA CITY – Kalahok na ngayon ang mga Kabataang Barangay officials sa patuloy na kampanya ng City Government ng Naga sa vaccination program.

Katunayan ang mga SK officials ang nag-a-assist sa isinasagawang online registration at manual registration sa hangad na magpabakuna.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa inilabas na karagdagang impormasyon ng Nagavaccine updates, napag-alaman ng Brigada News FM Naga na may 10 na mga barangay ang may ganitong sistema.

Ang mga ito ay ang  Bagumbayan Sur, Bagumbayan Norte, Cararayan, Concepcion Pequeña, Del Rosario, Igualdad, Mabolo, Peñafrancia, Tabuco at San Felipe.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa mga interesadong magpabakuna, magpa rehistro sa  https://covidvax.naga.gov.ph/ o magpalista sa kani-kanilang barangay.

Kaugnay nito ni Liga Pres. Antonio “Dodit” Beltran, na target ng lungsod na may mabakunahang isang libong individual araw-araw para sa mga kategoriyang A1,A2 at A3.