Sk Fed Chairman ng Cordon, patay sa road accident; Cordon Vice Mayor, sugatan

SK FED CHAIRMAN NG CORDON, PATAY SA ROAD ACCIDENT; CORDON VICE MAYOR, SUGATAN Patay ang Sanguniang Kabataan (SK) Federation Chairman ng Cordon, Isabela na si Benjamin Tolentino matapos masangkot sa isang road accident kahapon, June 13, sa may Skyway, sa vicinity ng Pasay City.

Nawalan din ng buhay ang drayber ng sasakyan na si Eddie Trinidad, 54-anyos, at residente ng Consolacion Agoo, La Union; habang sugatan naman ang iba pang pasahero nito kabilang na si Cordon Vice Mayor Abegail Sable, Josie Miranda, Lilebeth Guillermo, Edison Quitola, at Jose Miranda.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, bandang ala-1 ng hating-gabi nang mangyari ang insidente. Base sa ulat, binabaybay ng sasakyan ang westbound direction at ng papa-kanan na sana ito papunta sa NAIA Expressway ay hindi natansiya ng drayber ang distansiya nito sa isang pader na dahilan ng pagkakabangga ng mga ito.

Dahil sa lakas ng impak, naihilaway ang left front door ng sasakyan na nagdulot naman ng matinding pinsala sa ulo at katawan ni Trinidad at ni Tolentino na nakasakay sa likuran ng drayber.

Nagtamo naman ng iba’t ibang pinsala sa katawan ang iba pang pasahero ng sasakyan na kaagad dinala sa pagamutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *