Siyam na miyembro ng Sangguniang Bayan ng Capalonga pinatawan na ng preventive suspension

CAMARINES NORTE- Isinilbi na kahapon ang kautusan na pirmado ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado na nagpapataw ng preventive suspension sa mga opisyal ng bayan ng Capalonga.

Base sa kalatas, sa pamamagitan at kapangyarihan ng Resolution No. 427-2021 na naguutos sa kapasyahan ng Sangguniang panlalawigan ay inirekumenda kay Gobernador Edgardo Tallado bilang punong lalawigan na isailalim  sa animnapung araw (60days) na Preventive suspension sila vice Mayor Juan Enero, konsehal Fatima Regine Oliva -Navarro, Cony S. Olin, Renato O. Aler, Abraham Juego,  Ramil Raviz,  Remegio Barbo,  Felix Oliva Jr. At Joshua Florante  pawang miyembro ng Sangguniang bayan ng Capalonga.

Sa nakalap na impormasyon ng Brigada News FM Daet, isinilbi kahapon, araw ng byernes ang nasabing suspension kung sàan  sinasabi dito na ang mga miyembro ng Sangguniang bayan ay pansamantalang hindi magpafunctiom dahil sa ipinataw na Preventive suspension base sa section 63B ng Local Government Code of 1991 kung saan sinabi din na itoy ipinatutupad sa lalong madaling Panahon.

Samantala, sa panig naman ng grupo ng Sangguniang bayan nakahanda na ang kanilang apela sa pamamagitan ng paghahain ng TRO

Ayon kasi sa Mayorya ng Sangguniang bayan ay wala silang nakitang dahilan sa sinasabing merito o basehan para sila ay patawan ng preventive suspension kung kayat umaaasa din sila sa magiging desisyon ng korte na sila ay mapaburan base sa kanilang mga kadahilanan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *