Muling nasungkit ng Pilipinong boksingerong si Carlo Paalam ang kanyang tiket patungong Paris Olympics.
Ito’y matapos niyang talunin si Sachin Siwach ng India sa pamamagitan ng unanimous decision sa men’s 57kg event ng 2nd Olympic Boxing Qualification Tournament sa Thailand.
Samantala, inanunsyo ng Philippine Olympic Committee (POC) na bukod kay Paalam ay iwawagayway rin ni Hergie Bacyadan ang watawat ng Pilipinas sa Paris.
Natalo ni Bacyadan si Maryelis Yriza ng Venezuela sa women’s 75kg event.
Sa ngayon, lima na qualifed na Filipino boxers sa Olympics dahil makakasama ng dalawa sina Eumir Marcial, Nesthy Petecio, at Aira Villegas sa nasabing palaro na magsisimula susunod na buwan.
