SB19 Stell, may tugon na sa sinabi ng content creator na si Stella Salle

Nagsalita na ang P-pop idol at SB19 member na si Stell Ajero hinggil sa sinabi ng content creator na si Stella Salle sa social media.

Maalalang nag-repost si Stella ng Facebook post na may mga old photos ni Stell at may caption na “panget.”

Napuno ng mga comforting comments ang TikTok live ni Stell dahil ito ang kanyang unang live simula nang pumutok ang isyu.

Saad ng P-pop idol, na-busy lang talaga siya at hindi apektado sa mga pahayag ni Stella.

Sa totoo lang raw ay hindi talaga siya nasaktan dahil pabiro nitong sinabi na “Ba’t ako masasaktan, di naman totoo. Joke!”

Nilinaw rin nitong hindi siya galit sa content creator at pinayuhan ang A’tins na hayaan na lang si Stella sa kanyang sariling opinyon.

Photo from Stell Ajero/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *