NAGA CITY—Aabot sa 21 benepisyaryo na kinabibilangan ng 70 miyembro ng pamilya ang nabigyan ng ipinangakong livelihood interventions ng Department of Agriculture Bicol.
Sila ang unang grupo sa Camarines Sur ng Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program na nabigyan ng pangkabuhayan na siya ring pinaka-unang batch sa Bicol region.
Mismong sina Lorenzo Alvina, DA Regional coordinator ng BP2 program at Technical Director for Operations Luz Marcelino, ang nanguna sa pamamahagi ng 1,050 inahing manok, 21 chicken cage at 63 bags ng feeds and drugs.
Ang DA-BP2 program ay nagbigay din ng Gulayan Project na kinabibilangan ng assorted vegetable seed, water hose, hand garden tools at knapsack sprayer.
Magugunitang na ang Camarines Sur ay ang isa sa mga pilot provinces ng BP2 kung saan noong February 23, 2021 ay agad na nakapag-pauwi ng 13 pamilya at walong pamilya naman noong Abril 30, 2021.
Layon ng naturang programa na mahikayat ang mga tao lalo na ang mga informal settler sa Metro Manila na bumalik sa kanilang mga probinsya kapalit ng suporta, insintibo, transportasyon, livelihood assistance, housing at maraming pang iba.