Inihayag ng Chinese drug maker na Sinovac na ligtas ang COVID-19 vaccine nito para sa mga kabataan at sanggol na hanggang anim na buwan ang edad.
Sinabi ng mga opisyal ng Sinovac na nagpasa na ang kompanya nito ng datos sa gobyerno ng Hong Kong noong nakaraang buwan mula sa unang dalawang phases ng trials na nilahukan ng mga batang Chinese na edad 3-17 taong gulang.
Ipinunto ng mga opisyal na tumutok ang kanilang trials sa immune response at safety findings sa mga kabataan.
Sa ngayon ay sinabi nila na wala pa silang nakikitang adverse reactions sa mga lumahok na kabataan.
