Lillard, nagtala ng 25 points sa naipanalong laro ng Blazers kontra Lakers

Nagtala ng 25 points si Damian Lillard para sa panalo ng Portland Trail Blazers kontra sa bumibisitang Los Angeles Lakers sa score na 105-90.

Tila ay pambawi ito ni Lillard mula sa isa sa mga worst performances nito sa buoang NBA carreer niya kung saan ay nalimitahan lamang ito sa 4 points nang magwagi ang Portland laban sa Indiana Pacers.

Laban naman sa short-handed na Lakers ay pumasok ang siyam mula sa 19 na tira nito kabilang na ang anim na mula sa 3-point range.

Malayo ito sa performance ni Lillard sa laro kontra Indiana Pacers kung saan ay sumablay ang lahat ng 3-point attempts nito.

Mababatid na sa ikalawang sunod na pagkakataon ay muling hindi nakapaglaro para sa Lakers ang four-time MVP na si LeBron James matapos nitong magkaroon ng abdominal strain.