Sino ang totoong ‘Alice Leal Guo’?

Ipinunto sa pagpapatuloy ng pagdinig ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Senadora Risa Hontiveros na tila ‘tip of an icerberg’ pa lang ang isyu tungkol kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa tunay na nangyayari sa likod ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Anya, kung tama kase ang ibinahagi sa kanila na intelligence information noong mga nakaraang Executive Session maging kanina kasama ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ay mukhang nasa proseso na ang komite sa pagsiwalat ng mas malaki pang sindikato sa likod nito.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Dagdag pa niya, nakakalula na rin ang mga impormasyong natatanggap niya katulad na lang ng lumabas na biometrics mula sa National Bureau of Investigation (NBI).

Lumalabas kase sa impormasyong ibinigay ng NBI na may ibang taong nagngangalang ‘Alice Leal Guo’ na siyang ipinanganak din sa kaparehong araw ng birthday ng alkalde bagamat magkaiba sila ng mukha.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Alinsunod nito, kinwestyon ni Hontiveros ang mga resource speakers tungkol sa kanilang opinyon kung bakit kailangan nakawin ng isang ‘Guo Haping’ ang pagkatao ni Guo kung mayroon naming validly-issued investor’s visa ang suspended mayor.

Maalala, umabot din sa mahigit isa’t kalahating oras ang naging executive session kanina ng mga senador kasama ang AMLC.