Pilot field testing ng POS gadget ng Naga City PSO, nagsimula na; mga lalabag sa batas trapiko mas dapat nang matakot

NAGA CITY – Nagsimula na ang pilot testing ng POS o Point of Sale gadgets ng Naga City Public Safety Office bilang  Interconnectivity Project ng Land Transportation Office at Local Government Unit ng Naga laban sa mga lumalabag sa batas trapiko sa lungsod.

Ayon kay Abigail Amaro, Admin Aid 1, Traffic Enforcer ng PSO, mas dapat nang matakot ang mga lalabag dahil direkta nang nakikita sa device ang naging traffic violation na dapat bayaran kaagad upang hindi magkaroon ng merit mula sa LTO, maaaring gcash o direkta sa opisina ang pagbayad. Kapag umabot na ng tatlong merit muling sasailalim sa seminar ang violator na maaaring makaapekto sa haba ng validity ng kanyang lisensya.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Madali na rin itong gamitin hindi kagaya ng dati na manu-manu pa ang pagsusulat.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Sinabi naman ni Executive Director, Renne Gumba ng PSO, nasa anim na pot lima 65 lahat ang nasabing gadget na sa mga susunod na Linggo na, ang full implementation. Pinaalalahan din ang mga violators at mga personahe na magkaroon ng documentation sa ticket dahil kaagad na nawawala ang sulat kagaya ng bill sa kuryente. Isa pa layunin nitong bawasan ang mga lumalabag sa batas trapiko sa lungsod.