Mananatili pa rin si Bella Belen bilang isang Lady Bulldog para sa UAAP Season 87.
Sa isang Instagram Post – idiniin ng National University volleyball superstar na ‘di pa siya tapos.
Kasama si Belen ng koponan nang ma-reclaim nito ang championship para sa Bulldos nitong Season 86.
Sabi niya sa kaniyang post, target niyang masungkit muli ang kampeonato sa darating na season.
Kung maaalala – wala ang pangalan ni Belen sa Rookie Draft para sa 2024 Premier Volleyball League (PVL).
Tumanggi naman na siyang magkumento kung bakit siya wala rito. (Justine Jumarang – Brigada News Intern)