Singil sa kuryente ng Casureco IV sa Partido Area, bumaba

CAMARINES SUR — Epektibo na ngayon sa Partido Area ang halos pisong pagbaba ng singil sa kuryente.

Mula sa 11 pesos noong Hunyo sa residential, ngayong 10 pesos na lamang, sa low at high voltage naman bumaba ito sa nine pesos at seven pesos. Ayon kay Rodel Sical, ang spokesperson ng Camarines Sur Electric Cooperative IV Inc., ang dahilan nang pagbaba ng singil sa kuryente ay ang mas murang nahiling supply sa Philippine Wholesale Electricity Spot Market.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu
Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Samantala, una na ring nag-abiso ang opisyal sa mga konsumedor na magkakaroon pa rin aniya ng mga hindi maiiwasang power interruption lalo na ngayong nagpapatuloy ang mga road clearing operations.