NAGA CITY – Umabot na lamang sa 274 na individual sa Naga City ang magiging benipisyaryo ng Walang Gutom Program o Food Stamp Program ng Department of Social Welfare and Development matapos na alisin ang 500 na nasa listahan dahil sa ang mga ito ay natuklasang nakakatanggap na ng ayuda, tulad ng sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at iba pang mga programa, bukod pa sa nakukuha ng mga ito sa lokal na pamahalaan.
Sa pahayag saBrigada News FM Naga ni Annabelle Vargas,head ng City Social Welfare and Development Office, sinabi nitong may pag-asang maging benipisyaryo ang mga nasa “waitlisted” depende kung papasa ang mga ito sa assessment ng DSWD Regional Office -5 na siyang maglalabas ng listahan sa mga posibleng tatanggap ng foods stamp na nagkakahalaga ng tatlong libo piso na halaga ng pagkain bawat buwan.
Ang pagbabatayan ng pagpili para sa mga nabakanteng slots ay iyong mga nasa LISTAHANAN ng ahensiya na isasailalim sa evaluation at iba pang proseso bago ito tuluyang maging benipisyaryo ng programa.