Sindikatong nangongolekta ng pera para mapabilang sa 4Ps, isiniwalat ni Sec. Tulfo

Pinaalalahanan ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na wala silang sinigingil ‘ni – singko para maisali ang isang indibidwal sa listahan ng mga benipersaryo ng 4Ps.

Ito ang ginawang pahayag ni Tulfo matapos madiskubre ang ‘di umano’y sindikato na naniningil ng P350 hanggang P500 para makasama sa 4Ps.

Aniya, na-aresto ang isang suspek na nagngangalang Jay Lagrimas sa pamamagitan ng isang entrapment operation sa Cagayan de Oro.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Ang siste – nagpapanggap umano itong empleyado ng DSWD NCR para makapangloko ng mga gustong makatanggap ng ayuda sa ilalim ng 4Ps program.

Muli namang binalaan ng kalihim na hindi nila sasantuhin sa pagtugis sa mga ganitong uri ng modus.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Tinutukoy na rin umano ang iba pang mga posibleng kasamahan ni Lagrimas.

Bago ito, mayroon ding na-arestong anim na mga indibidwal dahil sa panghihingi ng bayad.

Maliban pa rito, inanunsyo rin nin Tulfo na hindi na papayagang mag-proseso o mag-recruit ng 4Ps benificiaries ang mga opisyal ng barangay.
#