DepEd, pinalagan ang pagbatikos sa nakatakdang full resumption ng f2f classes

Pumalag ang Department of Education sa naging pahayag ng progresibong grupo ng mga guro kung saan ay tinawag nitong ‘recipe for disaster’ ang panunumbalik ng 100% na face-to-face classes sa Nobyembre.

Una na kasing sinabi ng Alliance of Concerned Teachers na wala pang sapat na health guidelines na inilatag ang DepEd para masigurong ligtas ang mga estudyante at learners mula sa banta ng COVID-19.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sa isang panayam, sinabi ni Education Undersecretary Epimaco Densing na hindi raw katanggap-tanggap ang terminong ito.

Aniya, ang mahalaga raw sa ngayon ay magkaroon ng ‘learning recovery’ lalo na’t malaki ang naging epekto sa kalidad ng edukasyon ang dalawang taong pandemya kung saan ay napilitan ang mga estudyante sa blended learning.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Isa raw sa mga pinaka-epekto nito ay ang pagkahuli sa pagkatuto ng mga learners sa eskwela.

Giit ni Densing, matagal na raw napagusapan ang panunumabalik ng face-to-face classes kaya naman tiyak siyang alam na ng mga magulang at mga paaralan ang dapat gawin.
#