SINAG, hinimok ang pamahalaan na pagtibayin ang monitoring sa presyo ng baboy

Naniniwala si SINAG Chairman Engr. Rosendo So na biosecurity pa rin ang pinakaepktibong pagtugon sa African swine fever (ASF) na tumatama sa mga baboy.

Sa panayam ng Brigada News FM kay So, sinabi nitong ito ang nakikita niyang paraan lalo pa’t wala pang bakuna laban dito.

Samantala, iginiit din ng opisyal na dapat pagtibayin ng pamahalaan ang monitoring nito sa karne ng baboy, sa harap ng pagtaas ng presyo nito.

Abiso din nito sa publiko, iwasan na lamang ang pagbili sa may mataas na presyo ng baboy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *