Senador: Pagsasagawa ng Balikatan exercise, ‘valid’ lang sa ilalim ng international law

Ipinunto ni Senate Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones, Chairperson, Senador Francis Tolentino na hindi maaring pakialaman ng China ang desisyon ng Pilipinas.

Ito ay matapos maglabas ng babala ng China laban sa US-Philippine joint military exercise o Balikatan 2024 na siyang magsisimula sa Lunes.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Ayon kay Tolentino, malinaw na makikitang valid sa ilalim ng international law ang pagsasagawa nito.

Kaugnay nito, tiwala siya na ginagawa lang ng kasalukuyang administrasyon ang tama upang pagtibayin ang national security at dignidad ng bansa.

Read More:  CBCP urges Senate to immediately proceed with VP Sara impeachment trial

Dagdag pa niya, matagal ng ginagawa ng bansa ito simula pa noong dekada 1980 at lumawak nalang ito.

Maalala, ayon sa awtoridad, nasa mahigit 16,000 ang inaasahang sasama sa multilateral maritime exercise o joint sail.