Simultaneous Modified Urban Gardening Program ng KKDAT sinimulan na sa Camarines Norte

Pinasinayahan na nitong ika-8 ng Agosto, 2021 ang pagsisimulan Simultaneous Modified Urban Gardening Project sa pagtutulungan ng pulisya, at ng mga opisyales at miyembro ng KKDAT o Kabataan  Kontra Droga at Terorismo

Layon ng programa na ipakita ang  pakikiisa ng kabataan sa gobyerno sa kanilang mga programang pampamayanan at kapayapaan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang proyekto ay isinagawa sa pamumuno  ni PCOL Julius D Guadamor, Provincial Director ng CNPPO.

Naniniwala naman ang pamunuan ng Camarines Norte PPO  na ang proyekto ay magiging daan upang mas mapa-igting ang ugnayan ng pamayanan at pulisya at mapalakas ang kontribusyon ng sektor ng kabataan sa aspeto ng pagpapanatili ng katahimikan at kaunlaran sa pamayanan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City