PRRD kakausapin ang kongreso para sa tax relief ng mga medical oxygen producers

Kinokunsidera ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng ‘tax relief’ ang mga manufacturers ng medical oxygen.

Sa kanyang taped briefing nitong Lunes sinabi ng Pangulo na nakapahalaga ng ginagampanang papel ng mga medical oxygen manufacturers sa laban ng bansa kontra COVID-19 lalo na ngayong may Delta Variant.

Ipinag-utos din ni Pangulong Duterte na bigyan agad ng lisensiya ang mga producers nito basta’t sumusunod lamang sa batas.

Patuloy umano ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at baka sa mga susunod na araw ay kailangan natin ng maraming suplay ng medical oxygen para sa mga tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *