CAMARINES NORTE- Nadagdagan ng apat na panibagong kaso ng pagkasawi ang Camarines Norte sa report ng DOH Bicol kahapon
Base sa case bulletin report sumampa na sa 73 ang bilang ng mga pasyenteng nawalan ng buhay dahil sa COVID-19 sa lalawigan
Habang isang panibagong kaso naman ang naitala mula sa bayan ng Sta. Elena
Sa kasalukuyan ang Camarines Norte ay may 246 na aktibong kaso, 1,077 ang nakarekober na at 73 ang nasawi mula sa kabuuang bilang na 1,396
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso NG COVID-19 sa lalawigan ay minabuti ng Pamahalaang Panlalawigan na magpatupad ng mas mahigpit na border checkpoint
Sa flag ceremony na isinagawa kahapon mismong si Governor Edgardo Tallado ay sinabing Kakabitan na ng closed-circuit television (CCTV) camera ang dalawang border checkpoint sa lalawigan ng Camarines Norte na matatagpuan sa Tabugon, Sta Elena at Tuaca, Basud upang masigurong walang sinuman na makakalusot ng walang kaukulang dokumento o negative result ng Rapid Antigen test.
Kasabay nito ay hiniling din ng opisyal ang kooperasyon ng publiko para masugpo ang COVID- 19 lalo na at mayroong banta ng Delta variant.

