Simbahang Katoliko ng Portugal, babayaran ang mga biktima ng child sexual abuse

Babayaran ng Simbahang Katoliko ng Portugal ang mga biktima ng child sexual abuse sa loob ng Simbahan matapos mabatikos ng ilang grupo sa bansa.

Magpupulong ang mga miyembro ng Portugal’s Bishops’ Conference (CEP) sa Shrine of Fatima sa central Portugal upang talakayin ang kabayaran, bukod sa iba pang mga isyu.

Read More:  2 foreign tourists die in suspected electrocution incident at luxury hotel pool in India

Batay sa ilang ulat ng isang Portuguese commission na pinondohan ng Simbahan, hindi bababa sa 4,815 menor de edad ang sekswal na inabuso ng mga clergy, na karamihan ay mga pari, sa loob ng pitong dekada.

Read More:  Several Florida polling precincts moved due to heavy rain and flooding

Ayon sa pinuno ng CEP na si Bishop Jose Ornelas, nagkaisang inaprubahan ng organisasyon ang pagbibigay ng kompensasyon.

###