PH, US, Japan – kinondena ang mga pag-atake ng China sa WPS

Pinagtibay ng Philippines, United States at Japan ang pagkondena sa “dangerous and aggressive” behavior na ginagawa ng China sa South China Sea.

Sa isang joint statement, hinimok nina Pangulong Bongbong Marcos, US President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na sundin ang “final and legally binding” 2016 arbitral tribunal ruling.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Hindi umano nila sinasang-ayunan ang mapanganib at pilit na paggamit sa mga coast gyard at maritime militia sa West Philippine Sea, maging ang mga hakbang na makagugulo sa offshore resource exploitation ng bansa.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sa huli, sinabi ng mga ito na nakababahala na talaga ang paulit-ulit na paninira ng China sa mga freedom of navigation ng mga sasakyang-pandagat ng Pilipinas.

Mababatid na magkakasama ngayon ang naturang mga lider sa Washington DC para sa makasaysayang trilateral meeting.