Simbahan umapela sa mga pulitiko na huwag gamitin ang mga aktibidad sa Semana Santa sa pamumulitika

CAMARINES NORTE- Umapela ang simbahang katolika sa mga pulitiko na huwag gamitin ang mga aktibidad sa Semana Santa sa pamumulitika.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon na bagamat “welcome” ang lahat sa mga religious activities ngayong Semana Santa kasama na ang mga pulitiko, nakiusap ito na respetuhin ang diwa ng Lenten season.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Paalala ng Obispo na ang diwa ng kuwaresma ay pagpapakumbaba, pagtitika at pagsisisi sa mga kasalanan maging pari, pulitiko o sinuman.

Kapag ginamit umano sa pamumulitika ang banal na pagdiriwang ay nagiging taliwas na ito sa diwa ng pagsunod sa Panginoon at ng kuwaresma

“Anybody naman is welcome to participate yun lang nakikiusap din tayo sa ating mga kapatid na pulitiko na huwag gamitin ang kumbaga, yung ating mga religious practices,” ani Alarcon.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Tulad nang nagdaang dalawang taon walang tradisyunal na Holy Week procession sa Diocese of Daet.

Gayunman, pwede naman daw magdesisyon ang mga Parish Priests na gawin ito basta may approval ng Local Government Unit.

Kailangan din umanong striktong masunod ang health protocols para sa kaligtsan ng mga lalahok sa pagdiriwang.