Holy Week procession hindi muna gagawin ngayong taon sa kabila ng pagluwag ng COVID- 19 restrictions

CAMARINES NORTE- Hindi magsasagawa ng tradisyunal na Holy Week procession ang mga simbahan sa Diocese of Daet dahil pa rin sa banta ng COVID- 19.

Ito ay sa kabila ng pagluwag ng COVID- 19 restrictions kumpara noong nakaraang taon at pagsasailalim sa dalawang bayan sa lalawigan sa Alert Level 1.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Bishop Rex Andrew Alarcon sinabi nito na walang mobile procession ngayong Semana Santa upang masiguro ang pagsunod sa health protocols.

Aniya, batid naman ng simbahan na marami na rin ang nasasabik na muling isagawa ang tradisyunal na prusisyon pero dapat aniyang maunawaan ng mga mananampalataya na kailangan pa ring gawin ang ibayong pag- iingat.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa kabila nito kung may mga parokya na maipapahintulot ang pagsasagawa ng prusisyon ay nakadepende na umano ito sa Parish Priest basta aprubado ng nakakasakop na Local Government Unit.

“Yung general guidelines natin is we follow the current protocol na yung certainly social distancing, use of face mask, the basic sanitation,” ani Alarcon.

“Yung sa prusisyon po ang general ano natin is wala muna pong mobile procession, kung magkakaroon man, ang instruction ko sa mga Parish Priests, it should have the permission and approval of the Local Government Unit.”

Ikinalungkot naman ng Obispo ang mga pagpuna kapag nagkakaroon ng pagtitipon sa simbahan pero tila ayos lang ang pagpunta sa mall kahit noong mahigpit pa ang mga restrtiction.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

At ngayong malapit na ang eleksyon kaliwa’t kanan din ang mga political rally at hindi na nasusunod ang health protocols.

“Sasabihin ko rin ito na usually maraming criticism pag ang simbahan ang nagtitipon pero hindi nakikita na mas nag iingat yung simbahan, pero ngayon di ba even during the time of pandemic, nagtitipon yan sa mga malls, nagtitipon s amga sabungan nagtitipon sa kung saan pero hindi yan mas critical.”

Samantala, bawal rin muna ngayon ang paghalik sa mga imahe ng santo at sa gagawing Veneration of the Cross sa Biyernes Santo.

Simpleng pag bow at genuflection ay sapat na aniyang pagpapahayag ng paggalang at pagpaparangal sa krus.