CAMARINES NORTE- Natanggap na ng nasa 35, 150 CamNorteños ang kanilang national o PhilSys ID
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nasa 38, 035 na PhilSys ID na ang nai- turn over sa Camarines Norte Philippine Postal Corporation at naipamahagi sa mga cluster ng Post Offices
Nasa 2, 881 naman ang nasa proseso pa ng pag deliver habang tatlo naman dito ay Return to Sender (RTS) status at inindorse sa PSA Regional Offices.
Nakapagrehistro naman ng 31, 530 indibidwal ang PSA Camarines Norte para sa Step 2 Registration as of March 31, 2022.
Mula 2021 umabot na sa 423, 965 na mga taga Camarines Norte ang nakapagparehistro na sa PhilSys.
Nagpapatuloy naman ngayon ang mga ginagawang Mobile PhilSys registration sa mga islang Barangay ng Vinzons katuwang ang Local Government Unit.
Noong April 4- 9 ay nagsagawa ng mobile registration sa Barangay Magcawayan, Pinagtigasan noong April 4- 12 at 11- 20 sa Banocboc.
Magpapatuloy ang mga mobile registration bilang tugon sa pagnanais ng marami pang indibidwal na magparehistro sa PhilSys.
