Simbahan mananatiling ‘non-partisan’ sa usaping pulitika

Nanindigan ang Simbahang Katoliko na nanatili itong non-partisan sa usaping pulitika subalit hindi ito kailanman magiging neutral harap ng mga isyung panlipunan at moral.

Ipinunto ng social advocacy arm na Caritas Philippines sa isang pahayag na bilang moral obligation ng Simbahan kailangan umanong ihayag kung ano ang totoo, makatarungan, at tama.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Paliwanag ni Caritas National Director at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, na kung sila ay magsasalita at kikilos dapat pabor ito sa karapatang pantao, sa kasagraduhan ng buhay, ekolohiya, at katotohanan.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Inilabas ni Bagaforo ang pahayag bilang tugon sa mga akusasyon na nakikialam ang kaparian sa pulitika.

Magugunitang ilang mga miyembro ng simbahan ang hayagan nagsasalita laban sa isyung panlipunan katulad ng giyera laban sa droga at mga alegasyon ng katiwalian sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.