Positivity rate sa NCR nasa 4.9 percent na lang – OCTA research

Bumaba pa sa 4.9 percent COVID-19 positivity rate sa Metro Manila ayon sa independent analytics group na OCTA Research.

Ang naturang bilang ay mas mababa sa limang porsyentong threshold na inirerekomenda ng World Health Organization (WHO).

Read More:  Seven suspected vintage bombs found at QC junk shop

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David nanatili pa rin sa ang COVID-19 low risk status sa Metro Manila.

Mayroon itong average na daily attack rate (ADAR) na 2.85, “stable” na reproduction number na 0.21, at 25 porsiyento sa paggamit ng pangangalagang pangkalusugan sa huling pitong araw.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Batay sa tracker ng Department of Health nag-ambag ang Metro Manila ng 332 sa 1,427 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa noong Lunes.