DOTr Asec. Libiran nagbitiw na sa puwesto

Nagbitiw na sa pwesto si Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran.

Nilinaw naman nito na ang kanyang resignation bilang Assistant Secretary for Communication and Commuter Affairs ng DOTr ay dahil sa personal na dahilan at hindi dahil sa pulitika.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Pinuri naman ni Libiran ang kanyang boss na si Secretary Arthur Tugade, na aniya’y walang humpay na itinuloy ang bawat naiisip na proyekto, programa o inisyatiba na magpapahusay sa sistema ng pampublikong transportasyon sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Nagpasalamat din ito kay Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y pagbibigay ng inspirasyon, at pagpayag kay Secretary Tugade at sa DOTr na gawin ang lahat ng paraan para magbigay ng mas komportableng buhay para sa lahat.