Signal no. 4, itinaas sa ilang bahagi ng Luzon habang papalapit sa kalupaan ang bagyong Kiko

Asahan nang may dalang mapaminsalang hangin at kung minsan torrential rainfall sa ilang bahagi ng extreme Northern Luzon habang papalapit ito sa kalupaan ng bansa ngayong araw.

Huling na-monitor ang Kiko sa layong sa coastal waters ng Babuyan Island, Calayan, Cagayan, taglay ang lakas ng hangin na pumapalo sa 215 kph at pagbugso na umaabot sa 265 kph.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Sinabi ng PAGASA na asahan na ang malakas hanggang sa matindi at kung minsan ay torrential na pag-ulan sa northeastern portion ng Cagayan kabilang na sa Babuyan Islands at Batanes.

Dahil diyan ay itinaas ng PAGASA ang Signal Number 4 sa Batanes at sa northeastern portion ng Babuyan Islands.

Signal number 3 naman sa extreme northeastern portion ng Cagayan at sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Isinailalim naman sa signal number 2 ang northern portion ng mainland Cagayan at northern portion ng Apayao.

Nakataas naman ang signal number 1 sa nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, northern portion ng Ilocos Norte, natitirang bahagi ng Apayao, northern portion ng Kalinga, eastern portion ng Mountain Province, northeastern portion ng Abra, at northern portion ng Isabela.