Paolo Contis, gumaan ang loob matapos ang pag-amin sa kasalanan – Ogie

Ibinunyag ng TV host at talent manager na si Ogie Diaz na nakausap niya si Paolo Contis matapos maisapubliko ang pahayag nito tungkol sa pakikipaghiwalay nito kay LJ Reyes

Ayon kay Ogie, sinabi sa kaniya ni Paolo na gumaan ang pakiramdam nito matapos ang mga naging pag-amin nito sa kasalanan.

Inihayag rin ni Ogie na sinabi sa kanya ng aktor, “tao lang naman ako, Mama Og. Nagkakamali ako, sinadya man ito o hindi — nagkamali ako,”

Read More:  Moira Dela Torre addresses Sam Milby-Catriona Gray breakup rumors

Tila ay wala namang reaksyon si LJ sa mga naging rebelasyon ng kaniyang ex-partner.

Sa bagong Instagram ni LJ ay makikita na imbis sagutin ang pahayag ni Paolo ay nag-post ang aktres ang mga litrato na may kinalaman sa kaniyang mga negosyo.

Read More:  Will Ashley opens up about Mika Salamanca, calls her his ‘safe space’

Matatandaan na inamin ni Paolo na si Yen Santos ang kasama niya sa Baguio na nakita sa isang viral video, ngunit nilinaw na nandoon lamang ang aktres para samahan siya bilang kaibigan.

Inamin rin ni Paolo na third party ang dahilan ng hiwalayan nila ni LJ, ngunit hindi ito si Yen.

Nanindigan rin si Paolo na hindi niya sinasaktan ang kaniyang mag-ina tulad ng mga pinaparatang sa kaniya ng mga bashers.