Sigla ng ekonomiya sa Legazpi City, inaasahang muling babalik matapos na maabot ng lungsod ang ‘herd immunity’

BNFM BICOL—Inihayag ni Legazpi City Mayor Noel Rosal na tiwala umano siyang muling babalik ang sigla ng ekonomiya sa lungsod ng Legazpi makaraang maabot nito ang ‘herd immunity’ kontra COVID-19.

Ayon sa alkalde unti-unti nang maibabalik sa normal ang operasyon ng mga business establishment sa lugar na makakatulong upang muling mapataas ang employment rate sa lungsod partikular sa mga residenteng nawalan ng hanapbuhay sa kasagsagan ng pandemya.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Batay sa pinakahuling tala, umabot na sa kabuuang 160,050 mga indibidwal sa Legazpi City ang nabigyan na ng first dose ng bakuna habang nasa 128,212 naman ang fully vaccinated na kontra sa nakamamatay na virus.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sakabila ng magandang vaccination roll out ng lungsod, patuloy pa rin ang panawagan ng alkalde sa mga Legazpeño na matamang sundin ang mga umiiral na minimum public health standards at huwag nang magdalawang isip na magpa bakuna dahil ito ang unang depensa ng katawan upang hindi mahawa ng nakamamatay na sakit.###