One Stop Shop binuksan sa Daraga, Albay para sa kukuha ng business permit

LEGAZPI CITY – Hinihikayat ang mga may-ari ng negosyo sa bayan ng Daraga na ayusin ang kanilang business permit para sa kanilang renewal sa taon 2022.

Ayon kay Michael Margallo, ang head ng business and licensing permit ng Local Government Unit (LGU) Daraga, inaasahan ng mga ito na tataas o dadami pa ang kukuha ngayon ng mga permit sa one stop shop sa nasabing bayan dahil sa may mga negosyo na magbubukasan sa taon ito.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Base sa tala umaabot sa 1, 973 ang nabigyan ng permit sa taon 2021 kumpara sa taon 2020 nasa 1765 na business establishment sa bayan.

Layunin ng nagpapatuloy na one stop shop ang mapabilis ang pagpoproseso ng mga requirements ng mga business owner.

Wala naman silang ginawang scheduling o online para sa pagproseso ng mga requirements kung saan nananatiling face to face o walk in applicants pa rin ang mga ito.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sinabi ng opisyal, may plano na rin ang ahensya na magkaroon ng isang electronic business one stop shop para mas mabilis pa na proseso at hindi na rin kailangan pang pumila para lang sa permit.

Nais rin ng local na Pamahalaan na maipatupad ang electronic business one stop shop ngayon 2022.