Sigalot sa Middle East – walang direktang epekto sa supply ng oil products

Walang aktwal na epekto sa suplay ng produktong petrolyo sa global market ang lumalalang tensyon sa Middle East.

Yan ang naging pahayag ni Energy Directo Rino Abad sa harap ng naka-ambang higit-pisong dagdag presyo sa produktong petrolyo simula ngayong araw.

Ayon kay Abad, speculative effect lamang ng gulo sa Middle East ang nararanasang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa nitong mga nakaraang linggo.

Paliwanag niya, nagsimula kaseng maramdaman ang paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo noong inatake ng Iran ang Israel.

Samantala, bukod sa tensyon sa Gitnang Silangan, hindi rin maituturing na may epekto sa global market ang pagtama ng bagyong Milton sa Florida, hindi rin naman maituturing na kabilang sa oil producing region ang Florida.