Hindi kumbinsido si Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. sa pahayag ng China na committed itong lutasin ang mga sigalot sa West Philippine Sea.
Ito’y sa pamamagitan ng dayalogo at konsultasyon.
Maaalalang sa isang pahayag, sinabi ni Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning, na ang China ay determinadong na lutasin ang maritime differences katulad ng sa Pilipinas sa WPS.
Ayon kay Teodoro, kung talagang committed ang China sa dayalogo dapat maging kapani-paniwala ito.
Idiin din ng kalihim na committed din ang Pilipinas sa anumang pag-uusap basta hindi tayo niloloko at sinasaktan.