Kawatan – natunton dahil sa GPS

Timbog ang isang suspek na nagnakaw at nanloob sa isang apartment unit sa Sta Ana, Maynila, dahil sa “Find my iPhone” o GPS app na isa sa mga ninakaw nitong cellphone.

Alas-5 ng madaling araw nang makapasok ang suspek sa apartment ng tatlong biktima, kung saan sila tinutukan ng baril at kinuha ang P9,000.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Matapos siyang matunton ng mga awtoridad, positibong kinilala ng mga biktima ang suspek, at narekober sa kanya ang ginamit nitong motor, replica na baril, 3 cellphone, at iba’t ibang debit at credit cards.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Nahaharap ito sa kasong robbery, paglabag sa Comprehensive Firearms ang Ammunition Act, Resistance and Disobedience to a Person in Authority at Access Device Regulation Act.