“As the principal author of the bill, I just want to thank the President for signing into law the BFP Modernization Act. This is one of the priority bills I filed in my first month as Senator,” saad ni Go.
Dahil sa pagsasabatas ng panukala, sinabi ng senador na maari na ngayon ituloy ng gobyerno at mag-invest para sa modernization at capacity enhancement efforts ng fire bureau.
“Importante po na mabigyan ng suporta ang modernization ng ating Bureau of Fire Protection dahil napaka-importante ng tungkulin na ginagampanan nila upang makapagligtas ng buhay,” giit ng mambabatas.
“Halos linggo-linggo po akong bumababa sa mga nasusunugan. Nakikita ko po ang hirap ng ating mga kababayang nasunugan. Kahit isang bahay lang po ang masunog, damay po pati ang kapitbahay. Maraming pamilya ang apektado. Kaya po dapat lang na palakasin ang kapasidad ng BFP sa pagresponde sa sunog,” dagdag nito.
Ang RA 11589 ay nagmamando sa BFP na bumuo at magpatupad ng fire protection modernization program na kinabibilangan ng pagbili ng mga modernong fire equipment, expansion sa manpower ng BFP at ang provision ng specialized training para sa mga bombero, at iba.
Maliban dito, kailangan rin na magsagawa ang BFP ng monthly fire prevention campaigns at information drives sa bawat local government unit.
“Hindi lamang po ang pag-modernize ng ating equipment ang makatutulong sa paglaban sa mga sunog. Mahalaga rin dito ang fire safety education. ‘Yung atin dito, kung papaano i-prevent at maturuan ang mga kababayan natin kung papaano ba maiiwasan ang mga sunog,” giit ni Go.
