Philippines-Australia Army to Army Exercise “Kasangga”, nagsimula na

Pormal nang nagsimula ang Philippines-Australia Army to Army Exercise sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Ayon kay Philippine Army Public Affairs Office Chief Col. Louie Dema-ala, Ang naturang pagsasanay ay may layon mapalawak ang kakayahan ng dalawang pwersa sa larangan ng Reconnaissance, Mortar, Drone Operations, Logistics, Signal Operations, Jungle at Urban Warfare, Tactical Combat Casualty Care, at Breaching Operations.

May kabuuang 100 sundalo mula sa 86th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division ang magsasanay kasama ng 50 sundalo mula sa Australian Army.

Kasama rin sa ibabahagi sa pagsasanay ang mga karanasan ng dalawang hukbo sa paglaban sa mga teroristang grupo.

Ang bilateral exercise ay magtatagal hanggang June 21, 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *