Hiniling ng Election Watchdog na Kontradaya sa Palasyo na ilabas ang listahan ng mga pinagpilian personalidad para bakanteng pwesto sa Commission on Elections.
Ayon kay Kontradaya convenor Danilo Arao, duda sila sa kalidad ng isinagawang appointment lalo’t halos lahat ng mga itinalaga ng Pangulo ay mga ka-eskwela nito.

Naniniwala si Arao na dapat mailabas sa publiko ang shortlist ng mga pinagpilian kandidato sa ngalan ng transparency at matiyak na dumaan ito sa tamang proseso.
Nabatid na itinalaga ni Pangulong Duterte si National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) chief Saidamen Balt Pangarungan bilang Comelec chairman.
Kasabay nito may bago din commissioner ang ahensiya sa katauhan nina veteran election lawyer George Garcia at Aimee Torrefranca-Neri.