PAF natanggap na ang dalawang units ng T-129 ATAK helicopters mula sa Turkey

Natanggap na ng Philippine Air Force ang dalawang units ng T-129 ATAK helicopters mula sa Turkey.

Ayon sa Turkish Aerospace Industries, ang T-129 ay isang twin-engine, tandem seat, multi-role, all-weather attack helicopter na ibinase sa Agusta A129 Mangusta platform at idinisenyo para sa advanced attack at reconnaissance mission sa ‘hot and high environments’ at ‘rough geography’ na maaring gamitin mapa-araw man o gabi.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Bahagi ito ng 6 na ATAK helicopters na binili ng Pilipino sa Turkey sa halagang P12.9-billion.

Ayon kay PAF spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano posibleng magamit ang naturang mga helicopter sa susunod na isa hangang dalawang buwan.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Ang 15th Strike Wing ng Philippine Air Force ang magpapatakbo ng T-129 helicopters at gagamitin para sa Close Air Support sa mga ground troops at armadong surveillance at reconnaissance.