Shellfish sa Milagros, Masbate ligtas na sa red tide – BFAR

Maari nang kainin ang mga shellfish na nakukuha sa karagatan ng Milagros sa Masbate.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ito ay dahil sa wala nang red tide toxins sa naturang lugar.

Gayunman, positibo pa rin sa paralytic shellfish poison ang mga shellfish sa baybaying dagat NG Dauis at Tagbilaran City sa Bohol: Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Pinagbabawalan ang mga residente dito na kumain ng lahat ng uri ng shellfish at Acetes sp. o alamang sa mga nabanggit na lugar.

Maari namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango basta’t siguraduhin lamang na niluto at hinugasan ng maayos.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kinakailangan din na tanggalin ang hasang at kaliskis.

Samantala, nananatili pa ring ligtas sa toxic red tide ang mga baybayin ng Sorsogon Bay, Juag Lagoon ng Matnog, Sorsogon at coastal waters ng Mandaon, Masbate.