PHP100M, inilaan ng LGU Daraga para sa paggawa ng kanilang sariling sanitary landfill

LEGAZPI CITY – Aabot sa PHP100M halaga ang inilaan ng lokal na pamahalaan ng Daraga, Albay sa pagsasagawa ng kanilang sariling sanitary landfill.

Ayon kay Daraga Municipal Environment and Natural Resources Officer, Engr. Johnvic Grageda, bibili sila ng 15 ektarya ng lupa sa Brgy. Talahib at Brgy. San Ramon.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Sinabi niya, magiging kasagutan ang nasabing proyekto upang hindi na magbayad pa ang LGU sa bawat pag-dispose ng mga basura.

Dagdag pa nito, sinabi rin niyang mas pahihigpitin pa nila ang pagpapatupad ng ecological solid waste management upang ma-manage nang maayos ang mga basura sa bayan.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Samantala, itatalaga rin ang mga tauhan ng Task Force Kalinigan na silang magmo-monitor sa kapaligiran at magbibigay ng citation tickets sa mga lumalabag at sa mga hindi sumusunod sa tamang pagse-segregate ng basura.