Committee Chair on Fisheries and Aquatic Resources, nananawagang ipagpatuloy ang tungkulin sa pagkokolekta ng mga basura nang maayos

LEGAZPI CITY- Nananawagan si Committee Chair on Fisheries and Aquatic Resources ng Legazpi City, Renato Valladolid, sa mga eco-aides na kanilang ipagpatuloy ang maayos na pagkokolekta ng mga basura.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi sa opisyal, sinabi niyang kung regular na nakokolekta at nase-segregate ang mga basura, maaaring masosolusyonan na ang mga suliranin sa basura.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Aniya, isa ito sa kanilang mga kaisipan – ang patuloy na pagtuturo sa mga barangay at mga namumuno na dapat ay masunod o magawa ang kanilang mga tungkulin alang-alang sa kalinisan ng lugar.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Solusyon umano ito upang ang mga tao ay hindi na paulit-ulit na magtapon ng mga basura kung saan-saan. Sinabi rin niya na ang kanilang solid waste management program ay nananatiling maganda at kinakailangan lamang ng enforcement.