Mananatili sa detention facility ng Senado si Sheila Guo hangga’t wala umanong ‘consistency’ at ‘level of details’ sa kanyang mga testimonya ayon kay Senador Win Gatchalian.
Anya, kung titignan, blangko at walang detalye ang mga naging naratibo nito hinggil sa kanilang naging pagtakas nina Alice at Wesley sa bansa.
Halimbawa umano rito ang kawalan niya ng ideya kung anong oras ang kanilang naging byahe.
Kasunod nito, kung sakaling mapagdesisyunan nito sa susunod na pagdinig na hindi magsalita o magbigay ng detalye ay maari umano itong ipakulong sa ibang bilibid.
Ito ay katulad ng nais sanang gawin ng Kamara kay Cassandra Li Ong noong panahong tumanggi siyang magsalita.
Samantala, aminado naman si Gatchalian na mas komportable ang nararanasan ng mga nade-detain sa Senado kumpara sa ibang kulungan dahil isa lang naman itong pansamantalang detention facility.