Nagsimula na ang Service Contracting Program Phase 3 sa Central Luzon nakalipas na April 13, araw ng Myerkules.
Kasabay nito ay nagsagawa rin ng inspeksyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga para matiyak na maayos at mabilis ang pagbyahe sa mga mananakay.
Base sa talaan ng LTFRB Region 3, mayroong 80 kabuuang bilang na Public Utility Vehicle (PUV) units ang tumakbo sa Region 3 sa unang araw ng pagpapatupad ng programa at sa ikalawang araw naman ay 95 units.
Umabot sa 19,467 na mga mananakay ang unang naserbisyuhan ng mga kooperatiba sa rehiyon.
Kabilang sa mga ruta ay Bamban-Capas Tarlac, Sapang Palay-Minuyan Bulacan, Porac-Sm Pampanga, Balanga-Orani Bataan at Malolos City-Meycauayan, Bulacan.
Inaasahan naman ang pagbubukas ng mga karagdagang ruta at pag-arangkada ng mga karagdagang Public Utility Vehicle (PUV) para sa Libreng Sakay sa buong bansa sa mga susunod na araw.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: LTFRB Region III
