Mamimigay ng mga babasahin ang Commission on Population and Development Office Region 3 sa lahat ng mga Schools Division Office sa rehiyon.
Ito ay mga social and behavioral change communication materials na binuo ng PopCom para makapagbigay ng tamang impormasyon tungkol sa adolescent sexual at reproductive health.
Nitong nakalipas na lingo ay una nang nag-distribute ang komisyon sa Regional Office ng Department of Education.
Layon nitong matuto ang mga mag-aaral ng tamang kaalaman sa pangangalaga sa sarili lalo na sa panahon ng kabataan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: PopCom Region III