Sepak Takraw League, nakatakdang isagawa sa Calaca City

Batangas City – Nakatakdang isagawa ang Sepak Takraw League ngayong darating na July 21, 2024 sa Puting Bato West Gymnasium sa Calaca City Batangas.

Binubuo ito ng nasa dalawampung munisipalidad at lungsod sa probinsya ng Batangas na kabilang sa Batangas Sepak Takraw United o BSTU.

Ilan sa mga kategoryang pwedeng salihan sa palaro ay ang Boys Open, Girls Open at 12 Under.

Para sa mga mananalo makakatanggap ng cash price, trophy at medal.

Pipili rin ng ilang mahuhusay na manlalaro, kagaya ng Best Tekong, Best Spiker at Best Setter.

Layon ng palarong ito na maiangat ang larong sepak takraw dito sa Batangas at upang din ang galing ng mga manlalaro pagdating sa sepak takraw.

Kabilang din sa layunin ng programang ito na maka-discover ng mga future student athlete na maaaring i-train upang lumaban sa mga malalaking kompetisyon.