School based rescuers training, isinagawa sa Bacoor City

Batangas City – Nagsagawa ng School-Based Rescuers Training ang Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) kamakailan.

Nakilahok dito ang dalawampu’t pito na mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ng lungsod ng Cavite.

Ayon sa pamahalaang lungsod, layon ng programa na maging mahusay pa ang mga Bacooreño sa pagtugon sa emergency at maging handa sa anumang uri ng sakuna.

Hangad rin ng nasabing aktibidad na magbigay kaalaman sa mga mag-aaral patungkol sa basic life support at emergency preparedness skills at occupational first aid.