Senior citizen, nalunod-patay nitong Semana Santa sa Baras, Catanduanes

BNFM BICOL- Nauwi sa trahedya ang sana’y masayang bakasyon ng isang lolo sa bayan ng Baras, Catanduanes matapos itong malunod-patay nitong Semana Santa.

Batay sa ulat ng mga otoridad, kinilala ang biktima na si Rene Jose Tejada Tolledo, 67-anyos, dating OFW at residente ng Quezon City.

Sa salaysay ng kanyang mga kaanak, nagpaalam umano ang biktima na pupunta sa karagatang sakop ng Brgy. Salvacion nasabing bayan upang mangisda ngunit lumipas ang ilang oras, ipinagtaka ng mga itong hindi na bumalik pa si Tolledo.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nagpasya ang pamilya ng biktima na humingi ng tulong sa mga kinauukulan kung kaya’t agad namang rumesponde ang MDRRMO-Baras at agad na nagsagawa ng ‘Search and Rescue Operation’, katuwang ang iba pang mga mangingisda sa lugar.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Umaga na ng Huwebes Santo natagpuan ang wala ng buhay na katawan ng biktima na palutang-lutang sa dagat na sakop pa rin ng nasabing lugar.

Positibo namang kinilala ng mga kaanak ang bangkay ng biktima pagkatapos ay dinala sa Bato Maternity and Children’s Hospital para isailalim sa post mortem examination.###