Pulisya sa Camarines Sur magpapadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong agaton sa Leyte

NAGA CITY – Magpapadala ng tulong ang PNP Camarines Sur sa Leyte na labis na naapektuhan ng bagyong agaton.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay PLT Mark España, Deputy Chief of Police ng PNP Sagñay.

Aniya, bukas at handa ang PNP sa mga ganitong may mga nangangailangan ng tulong lalo na ang mga nasasalanta ng bagyo.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Bukod kasi sa direktiba ito ng kanilang Regional Director ang kanila mismong himpilan sinimulan na ang pag-iipon ng mga maaaring maipadala doon katulad ng pagkain, tubig, mga damit, gamot at iba pa.

Nakikipagtulungan na rin sila sa Lokal na Pamahalaan ng Sagñay lalo na aktibo rin ang naturang LGU sa pagtulong kapag may mga sakunang katulad ng nangyari ngayon sa Leyte, patikular sa Baybay.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sinabi pa ng opisyal na mas mabuting nakakatulong lalo na sa mga nangangailangan ng tulong. Kasalukuyan pang iniipon ang mga maipapadala sa Leyte, at wala pang nabanggit na araw kung kailangan maipapadala ang mga ito.